Tuesday, March 28, 2017

Updates in my Buhay

Wala namang kaganapang wagas. I am just tired because of the ongoing financial audit. Lam mo na pag accountant, stressed-out to the max pag audit season.

Ibang klase naman kasi tong na assign na auditor sa kin. Wagasan ang mga tanong. Not that I don't want to be asked. Ok nga yun para mas makapag bigay linaw sa mga findings nya.

Pero hello, ang tanong paulit-ulit. As if naman mag iiba iba ako ng sagot. Yahip!

Sana mapagud na sya at matapus na. Gusto ko ng mag holy week. Gusto ko ng mag beach (but not during the holy week huh).

Gusto ko ng mag diet, dahil sa stress eating ko nananaba na naman ako. Gusto kong uminom ng green juices for detox. Gusto ko mag explore. Gusto kong ayusin files at recording ng business namin. Gusto ko. Gusto ko. Gusto ko.

Ang dami kong gusto gawin di ko magawa kasi hindi pa sya matapos tapus.

Oi enough of the rants.

Syanga pala, we were in Kidzania last Saturday. As usual nag enjoy ang bagets. He wasn't able to experience all the jobs nga lang. So we will come back on Easter. Instead of easter egg hunt, mag trabaho na lang sya ulit. I will post a separate entry for that. Sana sipagin ako.

Actually si auditor naka upo sa harap ko habang nag blo blog ako. Hahahaha. Pasaway kasi sya. Gusto ko na umuwi ayaw pa tumigil. Tse!





No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.