Tuesday, August 25, 2015

MARIKINA: A Haven of Restaurants

Alam nio, mga mommies, kelan ko lang nalaman na ang dami palang masasarap na kainan sa Marikina? Oo sa Marikina. Sa Marikina kung saan laging dumadaan ang school service ko dahil ako ay nag aral sa isang paaralan sa Marikina.

Dati rati ang Soliven sa Green heights ay puros bahay lamang yan, binabaha pa nga e. Pero ngayun, pag binaybay mo sya, ang daming restos na nag sulputan. Mula kanto ng Soliven at Sumulong Hi-way hanggang dulo ng Lilac St., tabi tabi na ang kainan jan.

One time, we were on our way to my friend's house, may isang restaurant sa kanto ng Soliven at Sumulong hiway that caught our attention. Ang daming naka park na cars, so it means daming kumakain. Hmmm, nakaka curious.

So eto one Friday evening, after a hard day's work, we decided to ignore our rumbling stomach and avoid the temptation na kumain sa Megamall (default namin kainan to) and tolerate the traffic along Katipunan, White Plains and Marcos hi way just to eat at that restaurant. Pag dating dun, as expected ang daming naka park. So I let hubby find a parking space, while I got out to have our seats reserved. Pang 4 yata kami. 

Teka, ang dami ko nang sinabi, did'nt I mention the name of the restaurant yet? O sige eto siya:





Ayan, sa mga taga-Marikina alam na alam nila to.  Just be prepared to walk far, kasi hirap parking dito, sa gilid lang nang kalsada.

Upon entry, bungad agad ang maliit na dining sa loob. Pero pag umakyat ka sa 2nd floor, may space pa pala, specially if you come in big groups.  The space is very humble. Walang magarbong decorations. Simpleng - simple, pati mga utensils, plates and glass bumagay sa aura ng lugar. But don't get me wrong, the place is very cozy, yung tipong gusto mo mag tagal lang sa loob habang nag kukuwentuhan with your peers.

At dahil umuulan-ulan eto ang order ko, Stamina Ramen:


Sorry, kung di na kaaya-aya tingnan. Yes, I am that hungry, that I totally forgot to take a picture of my order and hubby's order.  Sa hitsura niya, iisipin nio na sya ay isang curry. Tama kayo, lasang curry na maanghang, pero masarap lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Order ni hubby was ramen na veggies ang laman, masarap din daw, lasa daw chopsuye. At ang laki ng order huh! Para sakin na gutom na ang katawang lupa, di ko halos maubos ang isang bowl.

Sa laki ng order, naiisip namin, sana pala umorder kami ng isang bowl ng ramen at isang order ng gyoza at nag hati hati na lang kami ni Daddy A.  Sa susunod, i-tratry  naman namin ang mga rice toppings nila. Kelan ang susunod? Sa susunod pag inabutan ako ng gutom sa daan.
 
Sana magutom uli ako sa tindi ng traffic.






2 comments:

  1. Very great post. I simply stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed browsing your weblog posts. After all I’ll be subscribing on your feed and I am hoping you write again very soon!

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.